Magulo ang mga nangyayari ngayon sa relasyon nina Rosalinda at Fernando Jose. Dahil sa laki ng utang na loob ni Rosalinda kay Alex Durantes (played by Jomari Yllana), hindi niya ito mapabayaan ngayong nalumpo na ito.
Sa una naiintindihan ni Fernando Jose ang ginagawa ni Rosalinda, pero dahil na rin sa pangungulila sa asawa at sa mga reactions ng kanyang ina at kaibigan, pinapili niya si Rosalinda kung sino ang mas matimbang sa puso niya, siya ba o si Alex?
Torn between her love for Fernando Jose at sa utang na loob niya kay Alex, confused si Rosalinda. Will she be able to make a choice before it is too late?
Malalaman natin ang kasagutan sa mga nalalabing episodes ng Rosalinda. Or puwede din nating tanungin sila Carla Abellana at Geoff Eigenmann in person sa pamamagitan ng iGMA Live Chat!
From 2 p.m. to 4 p.m. (Philippine time) today, Carla and Geoff will be back para sa kanilang second live chat together upang magpasalamat sa lahat ng sumusubaybay sa Rosalinda at para na rin sagutin ang mga katanungan ng kanilang fans, hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang bansa. Live na live nila kayong sasagutin at kakausapin kaya naman maghanda na kayo ng inyong mga tanong para alamin kung ano na nga ba ang mangyayari sa nakakakilig na tambalan ni Carla at Geoff.
Ayon nga kay Carla: "I am looking forward to our live chat at don't miss 'yung explosive finale namin sa Rosalinda!"
Huwag palampasin ang exclusive event na ito. Join the iGMA Live Chat with Carla Abellana and Geoff Eigenmann by logging on sa www.igma.tv/livechat/join.
Information Courtesy of iGMA.TV
http://www.igma.tv/story/6174/Rosalindas-choice























0 comments:
Post a Comment